Trapik
Autor: ayaaaaaaahh • August 28, 2016 • Essay • 558 Words (3 Pages) • 1,012 Views
Trapik!
Trapik — Isang salita na madalas nating marinig sa balita, mula sa libo-libong motorista, at mga Pilipinong bumibiyahe araw-araw sa ating mga lansangan. Isa rin itong palusot ng mga empleyado at mga estudyante sa tuwing nale- late sa pagpasok sa kani-kanilang opisina at eskuwelahan. Isang problema sa ating bansa na tila hindi na mawawakasan. Ngunit paano nga ba natin haharapin ang problemang ito?Bakit nga ba parang napakahirap sa ating solusyonan ito? Paano nga ba natin maso-solusyunan ang problema sa trapiko?
Trapiko ang isa na siguro sa pinakamalalang problema ngayon sa ating bansa, partikular na sa Metro Manila. Araw-araw nagmimistulang paradahan ang kahabaan ng EDSA dahil sa haba ng pila ng mga sasakyan. Bukod sa udsad pagong ang trapiko, nakakadaraggdag din sa polusyon sa hangin ang usok na inilalabas ng mga sasakyan.
Hindi mahirap malaman kung bakit nagsisikip ang mga kalsada sa kamaynilaan. Isang kadahilanan na dito ang patuloy na pagtaas ng populasyon sa Metro Manila. Habang dumarami ang mga tao, dumarami rin ang mga sasakyan. Bukod dito, isa ring MALAKING sagabal sa pag-usad ng trapiko ang mga bus na kung saan-saan nalang nagbababa at nagsasakay ng mga pasahero, kahit na mayroon naming nakatalagang lugar para dito. Idagdag pa natin ang mga pilahan ng mga jeepney na pati kalsada ay sinakop na. Kung minsan naman ay may mga aksidente sa daan na lalong nagpapabagal sa mabagal na ngang usad ng mga sasakyan.
Kamakailan lang, pinakilos ni PNOY ang Highway Patrol Group para maibsan ang problema sa trapiko. Ayon sa ilang motorist, nakatulong ito kahit papaano ngunit hindi rin ito gaanong nakabawas sa mabagal na usad sa trapiko.
Sa tingin ko naman bilang isang mag-aaral, dapat sa atin mismo manggaling ang solusyon o gumawa man lamang ng paraan upang mapagaan ang ating problema sa trapiko. Wala ring magagawa ang mga panukala ng mga politiko kung wala tayong kooperasyon at disiplina.
...