Semestral Break (filipino)
Autor: andrey • March 8, 2011 • Essay • 252 Words (2 Pages) • 5,874 Views
Ang pinakahihintay na panahon ng mga mag-aaral, katulad ko, ay ang semestral break. Sabik na sabik ang lahat na makapagpahinga mula sa mga pinagkakaabalahan sa paaralan. Kahit ako, hindi makapaghintay na matapos ang semestre upang makapagbakasyon. Mabuti na lang at maaga nagsimula ang aming semestral break noong unang linggo pa lang ng Oktubre. Mahigit isang buwan din ang itinagal nito kaya naman mahaba-habang pahinga at bakasyon ito para sa aming mag-aaral.
Sa totoo lang, wala akong planong gawin o puntahan man lang para sa semestral break. Ang alam ko lang ay sa panahong iyon, malaya ako mula sa tensiyon, pagod at pagising ng maaga. Sinubukan kong gawing makabuluhan ang bawat araw sa pamamagitan ng pamamasyal kasama ang aking pamilya at mga kaibigan. Ginawa ko ang mga bagay na hindi ko masyadong nararanasan tuwing pasukan kagaya ng pag-iinternet at panonood ng telebisyon. Minsan man ay nagsasawa na ako sa paulit-ulit na gawaing kumain, magcomputer, magpahinga, manood ng telebisyon at matulog.
Mas naging makabuluhan ang aking semestral break nang dumating ang papa ko mula sa ibang bansa para makapagbakasyon. Pumunta kami sa sementeryo upang bisitahin at ipagdasal ang aming mga namayapang kamag-anak. Pagpasok ko ng paaralan noong unang linggo ng Nobyembre, tila kulang pa ang mahigit na isang buwan na semestral break dahil na rin sa maagang pasukan . Ngunit masaya naman ako dahil ang pangalawang semestre ay nangangahulugang bagong pagsubok ito sa aking buhay. Hindi bale na ang hirap, maghihintay na lamang ako sa susunod na bakasyon ngayong Disyembre at sa mga susunod pa.
...