AllFreePapers.com - All Free Papers and Essays for All Students
Search

Mumbaki Reaction Paper (filipino)

Autor:   •  January 11, 2012  •  Essay  •  262 Words (2 Pages)  •  3,694 Views

Page 1 of 2

ako si ariel yuson nag aaral ako ng pag sulat ukol sa iba't ibang klase ng tema. naiis kong matutu at mag karoon pa ng dagdag kaalaman.. ako ay nakatira sa antipolo city. sana makatulong ang site na ito sa aking hinahanap. Ang pelikulang Mumbaki ay pumapatungkol sa pagtutunggali ng moderno at katutubong paniniwala na kinaharap ng isang katutubo na nabigyan ng pagkakataon na makapag- aral ng medisina sa Maynila. Ang ganitong suliranin ay bunga ng magkasalungat na sosyalisasyon na nangyayari sa Pilipinas. Dumating ang pagkakataon na kailangang mamili ng pangunahing karakter sa pelikula: ang tuparin ang kanyang pangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa kasama ang kanyang kasintahan o gampanan ang kanyang tungkulin bilang miyembro ng kanyang tribo. Malinaw na makikita sa pelikula ang magkasalungat na sosyalisasyon na nangyayari sa Pilipinas. Ang pinakasimpleng manipestasyon nito ay ang uri ng damit na isinusuot ng mga karakter sa pelikula: ang mga lumaki sa siyudad ay nagsusuot ng jeans, polo, t-shirt, at iba pa samantalang ang mga lumaki sa bundok ay nakabahag at nakahubad. Gayundin ay ang magkaibang alak na iniinom ng nagmula sa siyudad at ng nagmula sa bundok. Dagdag pa rito ay ang paggamit ng moderno at katutubong paraan ng panggagamot, Ang mga lumaki at nag- aral sa siyudad ay gumagamit ng antibiotics para agapan ang epidemya na kumakalat sa mga Igorot habang ang mga Igorot naman ay nananalangin sa kanilang mga baki sa pamamagitan ng mga mumbaki. Ang pinakanghuli ay kung ano ang nararapat na sundin ng pangunahing karakter: ang ipaghanti ang kanyang tribo o ang gamitin ang kanyang kaalaman sa panggamot.

...

Download as:   txt (1.6 Kb)   pdf (39.4 Kb)   docx (10 Kb)  
Continue for 1 more page »