Mumbaki: A Reaction Paper (filipino)
Autor: andrey • September 28, 2011 • Essay • 725 Words (3 Pages) • 35,826 Views
1. Ang pelikulang Mumbaki ay pumapatungkol sa pagtutunggali ng moderno at katutubong paniniwala na kinaharap ng isang Igorot na nabigyan ng pagkakataon na makapag- aral ng medisina sa Maynila. Ang ganitong suliranin ay bunga ng magkasalungat na sosyalisasyon na nangyayari sa Pilipinas. Dumating ang pagkakataon na kailangang mamili ng pangunahing karakter sa pelikula: ang tuparin ang kanyang pangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa kasama ang kanyang kasintahan o gampanan ang kanyang tungkulin bilang miyembro ng kanyang tribo.
2. Malinaw na makikita sa pelikula ang magkasalungat na sosyalisasyon na nangyayari sa Pilipinas. Ang pinakasimpleng manipestasyon nito ay ang uri ng damit na isinusuot ng mga karakter sa pelikula: ang mga lumaki sa siyudad ay nagsusuot ng jeans, polo, t-shirt, at iba pa samantalang ang mga lumaki sa bundok ay nakabahag at nakahubad. Gayundin ay ang magkaibang alak na iniinom ng nagmula sa siyudad at ng nagmula sa bundok. Dagdag pa rito ay ang paggamit ng moderno at katutubong paraan ng panggagamot, Ang mga lumaki at nag- aral sa siyudad ay gumagamit ng antibiotics para agapan ang epidemya na kumakalat sa mga Igorot habang ang mga Igorot naman ay nananalangin sa kanilang mga baki sa pamamagitan ng mga mumbaki. Ang pinakanghuli ay kung ano ang nararapat na sundin ng pangunahing karakter: ang ipaghanti ang kanyang tribo o ang gamitin ang kanyang kaalaman sa panggamot.
Sumasang- ayon ang aming grupo sa naging resolusyon ng pangunahing karakter ng pelikula. Bilang bahagi ng kanyang tribo, pinili niya sa una ang maging tapat rito nang pinili niyang ipaghiganti ang kanyang tribo. Ipinapakita nito ang kanyang pagsunod sa unang kulturang kanyang kinalakhan. Sa kabilang banda, ipinapakita rin na sinunod niya ang ikalawang kultura na kanyang kinalakhan sa pamamagitan ng pagtatayo ng health center sa kanilang tribo at pagpapatuloy sa kanyang propesyon bilang isang doktor. Ang pagsasama ng dalawang kultura ay tila isang mahirap na bagay ngunit may mga pagkakataon na maaari rin itong mangyari. Ang pagsasamang ito rin ay maaaring magpalago at maging kapaki- pakinabang para sa dalawang kultura.
3. Pinatutunayan ng pelikulang Mumbaki na ang pagkakaiba ng kultura at sosyalisasyon ng mga indibidwal ay nagbubunga rin ng pagkakaiba ng pagkatao. Sinusuportahan rin nito ang pag- aaral nina Markus at Kitayama (1986) na nagsasabing ang pagkataong
...