Ang Epekto Ng Kompyuter Sa Mga Mag-Aaral Sa Ormoc City Senior High School"
Autor: MEGarciano • September 23, 2016 • Research Paper • 849 Words (4 Pages) • 2,107 Views
INTRODUKSYON
Sa panahon ngayon, nagkalat na ang ibat ibang teknolohiya sa ating mundo. Isa sa mga teknolohiyang ito ay ang kompyuter. Ang kompyuter ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ito ay nakapaghahatid ng aliw, nakakapagpabilis ng gawain at nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa pamamagitan ng mga karagdagang programa. Pangunahin itong ginagamit ng mga nasa industriya, kompanya, at lalong-lalo na sa mga paaralan.
Ngunit ang paggamit ng kompyuter ay mayroon ding mga epektong naidudulot sa mga mag-aaral. Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti ba o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga epektong naidudulot ng kompyuter sa mga mag-aaral sa Ormoc City Senior High School. Ang mga sumusunod na taong ay nagsilbing gabay sa pagtugon ng layunin ng pag-aaral. 1. Ano-ano ang mga positibong naidudulot ng kompyuter sa mga piling repondente? 2. Ano-ano ang mga negatibong naidudulot ng kompyuter sa mga mag-aaral? 3. Ano ang kadalasang ginagawa ng mga mag-aaral pag sila ay gumagamit ng kompyuter? 4. Paano naka-aapekto sa mga mag-aaral ang paggamit ng kompyuter? 5. Ano ang dapat gawin para maiwasan ang mga negatibong epekto ng paggamit ng kompyuter?
METODOLOHIYA
Ang deskriptib na pagaaral na ito ay naglalayong alamin ang epekto ng paggamit ng kompyuter sa mga mag-aaral . Nais ng grupo na malaman ang mga nakabubuti at nakakasamang naidudulot ng paggamit ng kompyuter sa mga mag-aaral at kung paano ito nakakaapekto. Upang makakakalap ng sapat ng datos, pinili ng grupo ang paraan ng pagsasarbay sa pamamagitan ng pag-iinterbyu sa mga respondente na may limang katanungan. Kumukuha rin ang mga mananaliksik ng mga impormasyon sa internet. Ang mga napiling respondente ng grupo ay nagmula sa STEM-C ng Ormoc City Senior High School na binubuo ng sampung (10) repondente.
RESULTA/KINALABASAN
Unang tanong: Ano-ano ang mga positibong naidudulot ng kompyuter?
Makikita sa mga datos na ang karamihan sa mga sagot sa unang tanong ng mga respondente ay napagkukunan ng mga impormasyon ang paggamit ng computer. Mahihinuha
...