AllFreePapers.com - All Free Papers and Essays for All Students
Search

Si Miming at Ang Sanggol Sa Underpass

Autor:   •  July 23, 2012  •  Essay  •  337 Words (2 Pages)  •  3,029 Views

Page 1 of 2

SI MIMING AT ANG SANGGOL SA UNDERPASS

Ayon sa tekstong aking nabasa nailalahad dito ang paghahambing sa dalawang magkaibang buhay patungkol sa isang hayop at tao. Ipinaunawa sa akin ng kwentong ito na ang mga bagay sa mundong ito ay dapat bigyan natin ng pagpapahalaga. Minsan meron tayong mga binabaliwala dahil sa hindi natin gusto sa mga bagay na ito o dahil sa ayaw natin magpaistorbo, katulad na lang ng pagnalaglagan tayo ng piso o pag liligpit ng mga natira nating pagkain kahit malinis pa, minsan hindi natin namamalayan na malaki na ang maitutulong nito sa ibang tao at ito ay napakahalaga na para sa kanila, ngunit ang mga bagay na ito ay nasasayang at nababaliwala lang dahil sa ating kapabayaan at pagpapawalang bahala. Kung ihahalintulad natin sa kwento ayaw mag alaga ni riza ng pusa sa bahay sapagkat ang mga ito ay magiging pabigat lamang sa kanyang mga gawain. Maaari din nating maihambing ang storya patungkol sa ating mga desisyon sa buhay, ayon sa kwento masakit para sa ina na ipagbili ang kanyang bagong anak na sanggol sapagkat ito ay isang mahalagang regalo sa kanya ngunit mas pinili niya itong ipagbili sapagkat gustohin man niyang makasama ang sanggol ay wala siyang maibibigay na magandang buhay o kinabukasan sa bata kaya bagamat masakit man ito ay ginawa parin niya. Ang ina ng sanggol ay naging mautak sa kanyang ginawa, mas sinunod nya ang kanyang isip kesa sa kanyang emosyon ngunit hindi ibig sabihin na dahil pinagbili niya ang kanyang anak sa isang mayaman ay hindi niya napatunayan ang kanyang pagmamahal dito mas naibigay oh naipakita niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak sa ginawa niyang sakripisyong iyon sapagkat mas pinili niyang magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanyang anak kesa masunod ang kanyang kagustuhan na makasama ito at maghirap sa piling nilang magasawa. Sa ating buhay minsan ay sinusunod natin ang ating nararamdaman kahit na alam nating wala namang magandaang idudulot ito, hindi tayo handang

...

Download as:   txt (2 Kb)   pdf (49.5 Kb)   docx (10.2 Kb)  
Continue for 1 more page »