Ang Pangunahing Transmisyon Ng Isang Sasakyan (filipino)
Autor: robertwilson • December 8, 2015 • Thesis • 1,777 Words (8 Pages) • 1,625 Views
Ang Pangunahing Transmisyon ng isang Sasakyan
Tsapter 1
Introduksyon:
Mayroong dalawang pangunahing transmisyon ang sasakyan, ang awtomatik at manwal. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maglahad ng impormasyon tungkol sa pagkakaiba ng dalawang pangunahing transmisyon ng isang sasakyan. Ang pag-aaral ding ito ay nais magbigay ng kaalaman tungo sa pagpili ng sasakyan na angkop sa iba’t-ibang hanap na katangian ng isang motorista.
Kapaligirang Pangwika ng Pag-aaral:
Sinabi ni Jullian Estrella, estudyante sa larangan ng mechanical engineering, ang manwal na transmisyon ang aking mas gusto dahil mas mabilis ang sasakyan kapag ito ang gamit kung ikukumpara sa awtomatik na transmisyon, limitado lang kasi ang bilis na maibibigay ng awtomatik.
Ayon kay Deejay Corbito, estudyanteng baguhan pa lamang sa pagmamaneho, mas madaling gamitin ang awtomatik kaysa manwal ngunit kung kalidad ng sasakyan ang pagbabasehan, mas magandang gumamit ng manwal.
Pinangatuwiranan naman ni Efraim Laluz, isang estudyanteng nais matutong magmaneho, mas mainam ang manwal kaysa awtomatik para mas magamay ang tamang pagmamaneho ng isang sasakyan.
Ayon naman kay Byron Mariano, isang estudyanteng gustong matutong magmaneho, para sa akin mas mainam na mag-aral muna ng manwal upang mas madalian sa pagmamaneho ng awtomatik.
Sagot naman ni Eljay Francisco, isang estudyante na nag-aaral magmaneho, sang-ayon din siya sa pagmamaneho ng manwal dahil maraming nagagawa dito na hindi pwedeng gawin sa awtomatik.
Layunin ng Pag-aaral:
Sa pangkalahatan, hinahangad ng pag-aaral na ito na mailarawan ang dalawang uri ng transmisyon ng sasakyan at mailahad ang pagkakaiba nito.
Itinutok ang pagsusuri sa benepisyo at kakulangan ng dalawang transmisyon at mga paalala sa pagpili ng transmisyon na bagay sa hinahanap ng isang indibidwal.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral:
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa lahat ng mayroong hilig sa sasakyan, at sa mga tao na balak magmaneho ng sariling sasakyan.
Pagpapahayag ng Suliranin:
Sinikap sagutin ng pag-aaral ang mga sumusunod na mga tiyak na katanungan:
1. Ano ang mas madaling gamitin sa dalawa?
2. Anong uri ng transmisyon makakatipid ang isang motorista?
3. Ano-ano ang benepisyo at kakulangan ng bawat isa?
4. Ano ang mas ligtas na gamitin sa dalawa?
...